Gumagamit ang Lookout ng computer vision at generative AI para matulungan ang mga taong malabo ang paningin o bulag na mas mabilis at mas madaling magawa ang mga bagay-bagay. Gamit ang camera ng iyong telepono, mas pinapadali ng Lookout ang pagkuha ng impormasyon tungkol sa mundong nakapaligid sa iyo at ang mas efficient na pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na gawain gaya ng pagbabasa ng text at mga dokumento, pagbubukud-bukod ng mail, pagtatabi ng mga grocery, at higit pa.
Binuo sa pakikipag-collaborate sa komunidad ng mga bulag at malabo ang paningin, sinusuportahan ng Lookout ang misyon ng Google na gawing naa-access ng lahat ang impormasyon ng mundo.
May pitong mode ang Lookout:
• <b>Text:</b> Mag-scan ng text at marinig na basahin ito nang malakas habang gumagawa ng mga bagay-bagay gaya ng pagbubukud-bukod ng mail at pagbabasa ng mga karatula, gamit ang Text mode.
• <b>Mga Dokumento:</b> Mag-capture ng isang buong page ng text o sulat-kamay gamit ang Documents mode. Available sa mahigit 30 wika.
• <b>Mag-explore:</b> Tukuyin ang mga object, tao, at text sa paligid gamit ang Explore mode.
• <b>Currency:</b> Mabilisang matukoy ang mga banknote sa maaasahang paraan gamit ang Currency mode, na may suporta para sa US Dollars, Euros, at Indian Rupees.
• <b>Mga label ng pagkain:</b> Tukuyin ang mga naka-package na pagkain sa pamamagitan ng label o mga barcode ng mga ito gamit ang Food labels mode. Available sa mahigit 20 bansa.
• <b>Maghanap:</b> I-scan ang paligid para makakita ng mga object gaya ng mga pinto, banyo, baso, sasakyan, at higit pa gamit ang Find mode. Masasabi rin sa iyo ng Find mode ang direksyon at layo sa object, depende sa mga kakayahan ng device.
• <b>Mga Larawan:</b> Mag-capture, maglarawan, at magtanong tungkol sa isang larawan gamit ang Images mode. Ang mga paglalarawan ng larawan at Q&A ay available sa lahat sa English lang.
Available ang Lookout sa mahigit 30 wika, at gumagana sa mga device na gumagamit ng Android 6 at mas bago. Inirerekomenda ang mga device na may RAM na 2GB o higit pa.
Alamin pa ang tungkol sa Lookout sa Help Center:
https://support.google.com/accessibility/android/answer/9031274