Kung may makita kang isyu sa isang app o review sa Google Play, puwede mong i-flag ito sa aming team gamit ang mga opsyon sa ibaba. Mahalaga sa amin ang iyong feedback, at nagpapasalamat kami sa tulong mo sa pagpapahusay sa experience sa Google Play.
Magbigay ng feedback tungkol sa isang app
Mag-flag ng app
- Buksan ang Google Play App .
- Pumunta sa page ng detalye para sa app o laro.
- I-tap ang Higit pa I-flag na hindi naaangkop.
- Pumili ng dahilan.
- I-tap ang Isumite.
Tip: Para magbigay ng feedback tungkol sa app sa iba pang user, puwede kang mag-iwan ng pampublikong review sa Google Play. Matuto pa tungkol sa mga review.
Magbigay ng feedback tungkol sa isang review
Puwede kang magbigay ng feedback tungkol sa komento o review na iniwan ng ibang user ng Google Play. Magbasa tungkol sa mga opsyon sa feedback sa ibaba. Matuto pa tungkol sa kung paano kami nagpoproseso ng mga review sa app.
Mag-flag ng komento o review- Buksan ang Google Play app .
- Hanapin ang komento o review na gusto mong i-flag.
- I-tap ang Higit pa I-flag na hindi naaangkop.
Puwedeng mag-iwan ng pampublikong sagot ang mga developer sa mga komento o review. Sundin ang mga hakbang na ito kung sa tingin mo ay nakatanggap ka ng sagot na hindi sumusunod sa Patakaran sa Pag-post ng Komento para sa Developer:
- Sa email na natanggap mo na naglalaman ng sagot ng developer, i-click ang Iulat ang sagot ng developer.
- Punan ang form na ito. Tiyaking isama ang direktang link sa nauugnay na komento ng developer, ang pangalan ng developer, at maikling buod.