Mitte
Ang Mitte (Aleman: [ˈmɪtə] ( pakinggan)) ay ang una at pinakasentrong boro ng Berlin. Ang boro ay binubuo ng anim na sub-endtidad: sentrong Mitte, Gesundbrunnen, Hansaviertel, Moabit, Tiergarten, at Wedding.
Mitte | ||
---|---|---|
Boro | ||
| ||
Mga koordinado: 52°31′N 13°22′E / 52.517°N 13.367°E | ||
Bansa | Alemanya | |
Estado | Berlin | |
City | Berlin | |
Subdivisions | 6 na lokalidad | |
Pamahalaan | ||
• Alkalde ng Boro | Stephan von Dassel (Greens) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 39.47 km2 (15.24 milya kuwadrado) | |
Populasyon (31 Disyembre 2019) | ||
• Kabuuan | 385,748 | |
• Kapal | 9,800/km2 (25,000/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+01:00 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+02:00 (CEST) | |
Plaka ng sasakyan | B | |
Websayt | Official homepage |
Ito ay isa sa dalawang borough (ang isa ay Friedrichshain-Kreuzberg) na dating nahahati sa pagitan ng Silangang Berlin at Kanlurang Berlin. Ang Mitte ay sumasaklaw sa makasaysayang pusod ng Berlin at kasama ang ilan sa pinakamahalagang pook panturista ng Berlin tulad ng Reichstag at Berlin Hauptbahnhof, Tsekpoint Charlie, Pulo ng mga Museo, ang Toreng Pangtelebisyon, Tarangkahang Brandeburgo, Unter den Linden, Potsdamer Platz, Alexanderplatz, ang huling anim na kung saan ay nasa dating Silangang Berlin.
Heograpiya
baguhinAng Mitte (Aleman para sa "gitna", "sentro") ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Berlin sa tabi ng Ilog Spree. Nasa hangganan ito sa Charlottenburg-Wilmersdorf sa kanluran, Reinickendorf sa hilaga, Pankow sa silangan, Friedrichshain-Kreuzberg sa timog-silangan, at Tempelhof-Schöneberg sa timog-kanluran.
Galeriya
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Einwohnerinnen und Einwohner im Land Berlin am 31. Dezember 2020" (PDF). Amt für Statistik Berlin-Brandenburg. February 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-09-04. Nakuha noong 2022-07-30.
Mga panlabas na link
baguhin- Opisyal na homepage (sa Aleman)
- Opisyal na homepage ng Berlin (sa Ingles)