Pumunta sa nilalaman

GMA Network

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa GTV (Philippine TV network))
GMA Network
UriBroadcast commercial television network
TatakThe Kapuso Network (Kapuso is a Tagalog term for "a member of the heart")
Bansa
Lugar na maaaring maabutanPambansa
Binuo ni/nina1 Marso 1950; 74 taon na'ng nakalipas (1950-03-01)
ni Robert "Uncle Bob" Stewart
IsloganBuong Puso Para sa Kapuso (English: Wholehearted for the One in Heart)
TV stationsList of GMA Network stations
Hati ng merkado
35.95% (Nielsen Urban National TAM January-August 2016)[1]
HeadquartersGMA Network Center, EDSA corner Timog Avenue, Diliman, Quezon City, Pilipinas
LawakPhilippines
May-ariGMA Network Inc.
(Mga) pangunahing tauhan
Felipe L. Gozon (chairman)
Gilberto R. Duavit Jr (president and COO)
Felipe S. Yalong (executive vice-president and CFO)
Wilma Galvante (vice president for entertainment TV)
Nessa Valdellon (first vice president for news and public affairs)
Petsa ng unang pagpapalabas
Marso 1, 1950 (radio)
Oktubre 29, 1961 (television)
(Mga) dating pangalan
RBS TV (1961–1974)
GMA Radio-Television Arts (1974–1992)
GMA Rainbow Satellite Network (1992–1995)
Picture format
1080i (Downscaled to 480i (SDTV))
Sister channels
GMA News TV
International channels
GMA Pinoy TV
GMA Life TV
GMA News TV International
Opisyal na websayt
gmanetwork.com
WikaFilipino (pangunahin)
Ingles (pangalawa)

Ang GMA Network (Global Media Arts o simpleng GMA) ay isang pangunahing komersyal na broadcast na telebisyon at radyo sa Pilipinas. Ang GMA Network ay ang pangunahing katangian ng publicly traded GMA Network Inc. Ang unang broadcast sa telebisyon ay noong 29 Oktubre 1961, ang GMA Network (dating kilala bilang RBS TV Channel 7, GMA Radio-Television Arts at GMA Rainbow Satellite Network) sa bilang "Kapuso Network" sa pagtukoy sa balangkas ng logo ng kumpanya. Tinawag din itong "Christian Network" na tumutukoy sa maliwanag programming sa panahon ng panunungkulan ng bagong pamamahala, na kinuha sa 1974. Ito ay headquartered sa GMA Network Center sa Quezon City at ang transmiter nito, Tower of Power ay matatagpuan sa Tandang Sora Avenue, Barangay Culiat din sa Quezon City.

Ang orihinal na kahulugan ng acronym ng GMA ay ang Greater Manila Area, na tumutukoy sa unang coverage area ng istasyon. Habang lumalawak ang network ay nagbago ito sa Global Media Arts. Ngayon, ang pangunahing istasyon ng telebisyon ay DZBB-TV (GMA 7 Manila). Ang network ay may 3 na nagmumula na istasyon at 49 istasyon ng relay sa buong bansa. Ang programa nito ay makukuha rin sa labas ng Pilipinas sa Internasyonal sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International.

Republic Broadcasting System

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang GMA Network ay nagsimula sa himpilan ng radyong DZBB na pagmamay-ari ng Republic Broadcasting System ni Robert "Uncle Bob" Stewart, isang Amerikanong war correspondent. Ang himpilan ay nagsimulang sumahimpapawid noong 14 Hunyo 1950 sa ika-apat na palapag ng Gusaling Calvo sa Kalye Escolta, Maynila. Sila ay nakilala sa pagtutok ng mga balita tulad ng biglaang pagkamatay ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, ang pagsabog ng Bundok Hibok-Hibok noong 17 Marso 1957 at iba't-ibang halalan ng bansa. Ang DZBB ang kauna-unahang himpilan ng radyo sa bansa na gumamit ng telephone patch para sa mga "live" na panayam. ANg himpilan din ang nagsahimpapawid ng palatuntunang na naging batayan ng mga kasalukuyang programang pampampolitika tulad ng Kuwentong Kutsero at ang paligsahang sa pag-awit sa radyo, ang Tawag ng Tanghalan. Makalipas ang isang dekada, sinubukan ni Stewart ang pagsasahimpapawid sa telebisyon. Gamit ang dalawang kamera at isang lumang transmitter, ang RBS Channel 7, ang ikatlong himpilan ng telebisyon sa Pilipinas ay unang sumahimpapawid noong 29 Oktubre 1961. Kahit na karamihan sa mga palatuntunang ng himpilang ito ay galing sa ibang bansa, ang RBS ay gumawa rin ng mga lokal na programa tulad ng Uncle Bob's Lucky Seven Club, Dance Time with Chito at iba't-ibang programang pambalitaan. Laging nalulugmok sa pagkalugi ang RBS pagkatapos itatag ang kanilang himpilan ng telebisyon. Sila ay laging nalalayo sa mga ibang matatag na television networks ngunit ito ay hindi pumigil sa kanila para magsimulang sumahimpapawid sa Cebu (DYSS-TV) noong 1963.

GMA Radio-Television Arts

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang GMA Radio-Television Arts logo na ginamit mula 1979 hanggang 1992.

Noong 21 Setyembre 1972, idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law sa buong Pilipinas. Ilang lupon ng sundalo ang pumasok sa mga himpilan ng radyo at telebisyon at ito ay isinailalim sa kontrol ng militar upang maiwasan ang propaganda ng mga "komunista". Lahat ng media na kritikal kay Marcos ay ipinasara.

Ang mga dayuhang indibidwal at kompanya ay hindi pinayagang magmay-ari ng kahit anong media outlet sa bansa. Si Stweart at ang American Broadcasting Corporation, na nagmamay-ari ng ilang bahagi ng RBS[2] ay napilitang ibenta ang majority share ng kompanya sa isang grupo na kinabibilangan nina Gilberto Duavit Sr., isang opisyal ng Malacañang, Menandro Jimenez at Felipe Gozon noong 1974. Sa pamamagitan nito, ang himpilan ay muling pinayagang sumahimpapawid. Binago rin ang pangalan ng himpilan bilang GMA Radio-Television Arts (ang ibig sabihin ng GMA ay Greater Manila Area, ang pangunahing abot ng himpilan), ngunit ang RBS ang nagsilbi nilang opisyal na pangalan ng kompanya hanggang 1996. Si Jimenez ang tumayong pangulo ng kompanya samantalang si Gozon naman ang naging chairman.

Nang namatay si Benigno "Ninoy" S. Aquino, Jr., isang dating senador na tumutuligsa sa pamahalaang Marcos noong 21 Agosto 1983, isa lamang itong maliit na balita noon dahil kontrolado ni Marcos ang media noon. Unti-unting nawala ang kontrol ni Marcos sa media nang isahimpapawid ng GMA ang libing ni Aquino, ang nag-iisang lokal na himpilan na gumawa nito. Noong 1984, sinubukan ni Imee Marcos, anak ni Pangulong Marcos, na kupkupin ang GMA ngunit ito ay hindi nagtagumpay at pinigilan ito ng mga punong ehekutibo ng GMA. Tuluyang umalis ng bansa si Stewart at nadismaya sa ginawa ng mga Marcos. Ang GMA rin ang naging instrumental noong panahon bago isaganap ang Rebolusyon sa EDSA noong 1986. Ang network ang unang umere ng isang panayam kay Corazon Aquino noong 1984, at kanyang ipinahayag na tatakbo siya bilang Pangulo kung makakakuha siya ng isang milyong lagda. Noong Pebrero 1986, ang network rin ang unang nagbalita na sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile ay tumiwalag na sa pamahalaang Marcos.

Nang naibalik na ang demokrasya sa Pilipinas sa pamamagitan ng People Power Revolution noong 1986, ang mga himpilan ng telebisyong ipinasara noong Martial Law ay muling sumahimpapawid, at ang karamihan ay ibinalik sa orihinal nilang may-ari. Ang ABS-CBN ay muli ring umere at makalipas ng anim na buwan ay kinuha ang pangunahing posisyon sa ratings. Ang kalagayang pampolitika ng bansa ay nakadagdag sa mga pahirap ng himpilan nang kupkupin ito ng mga rebeldeng sundalo, para patumbahin si Pangulong Aquino. Noong 1987, binuksan nila ang kanilang live studio, ang Broadway Centrum, pinalakas ang kanilang mga programa at binuksan ang kanilang 777-talampakang Tower of Power, ang pinakamataas na istrakturang ginawa ng tao sa bansa noong 1988.

Ang Rainbow network

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Rainbow Network ang naging pagkakakilanlan ng network hanggang 2002 nang baghuin nila ang kanilang logo at islogan.

Naging pangunahing prayoridad ng GMA ang pagsasahimpapawid sa ibang bansa nang ilunsad nila ang Rainbow Sattelite noong 30 Abril 1992. Sa pamamagitan ng mga relay stations, ang mga palatuntunan ng GMA ay napapanood sa buong bansa at sa Timog Silangang Asya. Umere rin ang ibang programa ng GMA sa animnapung (60) lungsod sa Estados Unidos at ibang bahagi ng Timog Amerika sa pamamagitan ng International Channel Network. Ang GMA rin ang naging opisyal na tagahimpapawid ng 1995 World Youth Day, ang huling bisita ni Papa Juan Pablo II sa bansa. Nang taong ding iyon, inilunsad ng GMA ang kanilang UHF na himpilan, ang Cityet Television, bagong mga palatuntunan (kabilang rito ang Bubble Gang at Startalk, na ngayon ay isa sa mga pinakamatagal nang umeereng programa sa telebisyon), at ang balitaang Saksi nina Mike Enriquez, Mel Tiangco at Jay Sonza. Kasabay nito ang dalawang sikat na programang sumahimpapawid sa ABS-CBN ng ilang taon, ang Eat Bulaga at Okay Ka Fairy Ko. Noong 1996, pormal nang binago ng GMA ang kanilang pangalang pankalakal bilang GMA Network, Incorporated. Binago din ang ankronim ng GMA bilang "Global Media Arts". Ang GMA Films ay itinatag rin ng nasabing taon. At noong 1998, inilunsad nito ang pinakamahal na pelikula noong panahon na iyon, ang José Rizal na nagkakahalaga ng 80 milyong piso. Ang pelikulang ito ay tumanggap ng maraming parangal at pagpuri. Ang GMA rin ang kauna-unahang nakatanggap ng Peabody Award para sa Investigative Journalism sa Pilipinas noong 1999. Ang Citynet ay binago at naging EMC, ang pinaka-unang music video channel sa bansa. Ito ay naging Channel V Philipines makalipas ng ilang panahon. Ngunit ito ay napilitang ipasara dahil sa magkakontra ng interes sa ginta ng mga nagpapalakad ng GMA, na noon ay kinukunsidera ng PLDT, na nagmamay-ari sa MTV Philippines, isa sa mga sangay nito. Ang GMA rin ang naging opisyal na tagapagsahimpapawid sa Pilipinas ng Global Millenium Day Broadcast noong 2000. Noong Enero 2000, bumaba sa bilang pangulo ng GMA si Menardo Jimenez at si Felipe Gozon pumalit sa kanya. Si Gilberto Duavit Jr. naman ang naging Chief Operating Office ng kompanya.

Ang Kapuso network

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ipinakita ng GMA Network ang Kapuso logo sa tuktok ng GMA Network Center.

Noong 2002, binago ng network ang kanilang pagkakakinlanlan upang manguna sa pagbibigay ng balita at aliw. Binago nila ang kanilang logo at islogan para maipakita ang kanilang bagong pagkakakinlanlan ngunit kasama pa rin ang kanilang dating islogan bilang Rainbow Network. Ang bagong tatak ay may kasamang pulang hugis pusong na kasama ang iba't ibang kulay na tumatayo bilang isang bahaghari. Ang naging bago nilang islogan ay "Kapuso, Anumang Kulay ng Buhay". Ang mga ito ay ipinakita sa publiko noong 27 Oktubre 2002 sa isang espesyal na pagtatanghal ng programang SOP Rules.

Kinapalolooban ang mga programa ng GMA Network ng mga balita, mga palabas tungkol sa kasalukuyang kaganapan, dokumentaryo, drama, mga seryeng banyagang sinalin sa Tagalog, mga palabas ng balitaktakan, palarong palabas, mga sari-saring palabas, musikal, sitcom, pambatang palabas, mga anime, mga palabas na pantasya at realidad. Halos lahat ng mga palabas nito ay isinasahimpapawid mula sa GMA Network Center.

Mga kaugnay na artikulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Media Ownership Monitor Philippines - GMA 7". Reporters Without Borders. Nakuha noong Abril 26, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. GMA Gold: Fifty Years of Broadcast History, Chelo Banal Formoso (ed.), GMA Network.
[baguhin | baguhin ang wikitext]