Prepektura ng Okayama
Prepektura ng Okayama | ||
---|---|---|
| ||
Mga koordinado: 34°39′42″N 133°56′05″E / 34.6617°N 133.9347°E | ||
Bansa | Hapon | |
Kabisera | Lungsod ng Okayama | |
Pamahalaan | ||
• Gobernador | Ryūta Ibaragi | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 7.113,21 km2 (2.74643 milya kuwadrado) | |
Ranggo sa lawak | 17th | |
• Ranggo | 21st | |
• Kapal | 273/km2 (710/milya kuwadrado) | |
Kodigo ng ISO 3166 | JP-33 | |
Bulaklak | Amygdalus persica | |
Ibon | Phasianus versicolor | |
Websayt | http://www.pref.okayama.lg.jp/ |
Ang Prepektura ng Okayama ay isang prepektura sa bansang Hapon. Ito ay matatagpuan kasama ang Panloobang Dagat ng Seto (Seto Inland Sea) sa Rehiyong Chugoku. Ang Lungsod ng Okayama ang kabisera ng prepekturang ito. Sa may kanlurang bahagi ng lungsod matatagpuan ang Kurashiki, kung saan dinadayo ng mga turista ang lumang kanal nito.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago ang Panunumbalik ng Panahong Meiji noong 1868, ang lugar ng kasalukuyang prepekturang Okayama ay hinati sa pagitan ng mga lalawigang Bitchū, Bizen at Mimasaka. Ang prepekturang Okayama ay nabuo at pinangalanan noong 1871 bilang bahagi ng malakihang administratibong mga reporma sa unang bahagi ng panahon ng Meiji (1868–1912), at ang mga hangganan ng prefecture ay itinakda noong 1876.[2][3]
Mga tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Harding Korakuen ng Okayama
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang harding ito ay itinayo mahigit tatlong daang taon nang nakakaraan ng isang daimyo. Isa itong simbolo ng kapangyarihang samurai sa lugar at isa sa mga magagandang hardin sa bansang Hapon kasama na ang Kenroku-en ng Lungsod ng Kanazawa at Kairakuen ng Lungsod ng Mito. Ang harding ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Okayama.[4]
Kastilyo ng Bicchu Matsuyama
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinayo noong 1240, isa ito sa mga importanteng kultural na lugar sa bansang Hapon. Ito ay matatagpuan sa tuktok ng isang bundok na may altitud na 430 metro, kung saan isa ito sa pinakamataas na kuta na may toreng kastilyo sa Hapon. Ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Takahashi.[5]
Munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Rehiyong Okayama
- Okayama (Kabisera)
- Rehiyong Kurashiki
- Rehiyong Tōbi
- Rehiyong Igasa
- Rehiyong Tsuyama
- Rehiyong Takahashi
- Rehiyong Maniwa
- Rehiyong Shōei
- Rehiyong Niimi
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Okayama Prefecture". www.japan-guide.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-12.
- ↑ "Okayama Prefecture". Encyclopedia of Japan. Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong August 25, 2007. Nakuha noong 2012-08-01.
- ↑ Nussbaum, "Provinces and prefectures" galing sa pahina 780 ng Google Books.
- ↑ "Okayama Korakuen Garden | Okayama Prefecture Official Tourism Guide Explore Okayama, the Land of Sunshine". www.okayama-japan.jp. Nakuha noong 2023-03-12.
- ↑ "Bicchu Matsuyama Castle | Okayama Prefecture Official Tourism Guide Explore Okayama, the Land of Sunshine". www.okayama-japan.jp. Nakuha noong 2023-03-12.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.