Mga Tuntunin ng Serbisyo

Tingnan ang Mga Tuntunin ng Serbisyo sa iba pang wika: հայերեն, ខ្មែរ, فارسی, ລາວ, Hmong, ium, Filipino, العربية, 中文��中国), 中文(台灣), हिन्दी, 日本語, 한국어, ਪੰਜਾਬੀ, Русский, Español (Latinoamérica), ไทย, Українська, Tiếng Việt, at English

Ano ang mga nasa tuntuning ito?

Idinisenyo ang index na ito para matulungan kang maunawaan ang ilan sa mahahalagang update na ginawa namin sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo (Mga Tuntunin). Sana ay maging kapaki-pakinabang na gabay ito, pero pakitiyak na babasahin mo nang buo ang Mga Tuntunin.

Welcome sa YouTube!

Binabalangkas ng seksyong ito ang aming ugnayan sa iyo. Kasama rito ang paglalarawan ng Serbisyo, tinutukoy ang ating Kasunduan, at pinapangalanan nito ang iyong service provider.

Sino ang Puwedeng Gumamit ng Serbisyo?

Nagtatakda ang seksyong ito ng ilang partikular na kinakailangan para sa paggamit ng Serbisyo, at tumutukoy ito ng mga kategorya ng mga user.

Iyong Paggamit ng Serbisyo

Ipinapaliwanag ng seksyong ito ang iyong mga karapatang gamitin ang Serbisyo, at ang mga kundisyong nalalapat sa paggamit mo ng Serbisyo. Ipinapaliwanag din nito kung paano kami puwedeng gumawa ng mga pagbabago sa Serbisyo.

Iyong Content at Pag-uugali

Nalalapat ang seksyong ito sa mga user na nagbibigay ng Content sa Serbisyo. Tinutukoy nito ang saklaw ng mga pahintulot na ibinibigay mo sa pamamagitan ng pag-upload ng iyong Content, at kasama rito ang pagsang-ayon mong hindi mag-upload ng anumang lumalabag sa mga karapatan ng sinuman.

Pagsususpinde at Pagwawakas ng Account

Ipinapaliwanag ng seksyong ito kung paano ninyo puwedeng wakasan ng YouTube ang ugnayang ito.

Tungkol sa Software sa Serbisyo

Kasama sa seksyong ito ang mga detalye tungkol sa software sa Serbisyo.

Iba pang Legal na Tuntunin

Kasama sa seksyong ito ang aming pangako sa serbisyo para sa iyo. Ipinapaliwanag din nitong may ilang bagay kung saan hindi kami magiging responsable.

Tungkol sa Kasunduang ito

Kasama sa seksyong ito ang ilang karagdagang mahalagang detalye tungkol sa ating kontrata, kabilang ang kung ano ang aasahan kung mangangailangan kaming gumawa ng mga pagbabago sa Mga Tuntuning ito; o kung aling batas ang nalalapat sa mga ito.

Mga Tuntunin ng Serbisyo

Petsa: Disyembre 15, 2023

MGA TUNTUNIN NG SERBISYO

Welcome sa YouTube!

Panimula
Salamat sa paggamit ng YouTube platform at mga produkto, serbisyo, at feature na ginagawa naming available para sa iyo bilang bahagi ng platform (sama-samang tinatawag na “Serbisyo”).  

Aming Serbisyo

Ang Serbisyo ay nagbibigay-daan sa iyo na tumuklas, manood, at mag-share ng mga video at iba pang content, nagbibigay ng forum para sa mga tao na makipag-ugnayan, magbigay ng impormasyon, at magbigay ng inspirasyon sa iba pang tao sa buong mundo, at nagsisilbing platform ng pamamahagi para sa mga orihinal na content creator at malalaki at maliliit na advertiser. Nagbibigay kami ng maraming impormasyon tungkol sa mga produkto namin at kung paano gamitin ang mga ito sa aming Help Center. Bukod sa iba pang bagay, malalaman mo ang tungkol sa YouTube Kids, Partner Program ng YouTube at Mga Bayad na Membership at Pagbili sa YouTube (kung saan available). Mababasa mo rin ang lahat ng tungkol sa pag-enjoy ng content sa iba pang device tulad ng iyong telebisyon, games console mo, o Google Home.

Iyong Service Provider

Ang entity na nagbibigay ng Serbisyo ay Google LLC, isang kumpanyang tumatakbo sa ilalim ng mga batas ng Delaware, na matatagpuan sa 1600 Amphitheatre Parkway, Mountain View, CA 94043 (tinutukoy bilang “YouTube,” “kami,” “namin,” o “amin”). Ang mga pagbanggit sa “Mga Affiliate” ng YouTube sa mga tuntuning ito ay tumutukoy sa iba pang kumpanya sa Alphabet Inc. corporate group (ngayon o sa hinaharap).

Mga Naaangkop na Tuntunin
Ang iyong paggamit ng Serbisyo ay napapailalim sa mga tuntuning ito, Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube, at Patakaran, Mga Patakaran sa Kaligtasan at Copyright��na posibleng ma-update paminsan-minsan (sama-samang tinatawag na "Kasunduang" ito). Kasama rin sa iyong Kasunduan sa amin ang Mga Patakaran sa Pag-advertise sa YouTube kung magbibigay ka ng pag-advertise o mga sponsorship sa Serbisyo o magsasama ka ng mga bayad na promosyon sa content mo. Ang anupamang link o reference na ibinigay sa mga tuntuning ito ay para lang sa layunin ng pagbibigay impormasyon at hindi bahagi ng Kasunduan.

Pakibasa nang mabuti ang Kasunduang ito at tiyaking nauunawaan mo ito. Kung hindi mo nauunawaan ang Kasunduan o hindi mo tinatanggap ang anumang bahagi nito, hindi mo puwedeng gamitin ang Serbisyo.

Sino ang puwedeng gumamit ng Serbisyo?

Mga Kinakailangang Edad
Hindi ka dapat bababa sa 13 taong gulang para magamit ang Serbisyo; gayunpaman, puwedeng gamitin ang Serbisyo at YouTube Kids (kung saan available) ng mga bata, anuman ang kanilang edad, kung in-enable ito ng magulang o legal na tagapag-alaga.

Pahintulot ng Magulang o Tagapag-alaga

Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, isinasaad mong mayroon kang pahintulot ng iyong magulang o tagapag-alaga na gamitin ang Serbisyo. Ipabasa sa kanila ang Kasunduang ito kasama ka.

Kung isa kang magulang o legal na tagapag-alaga ng user na wala pang 18 taong gulang, sa pagpayag na gamitin ng iyong anak ang Serbisyo, mapapailalim ka sa mga tuntunin ng Kasunduang ito at responsibilidad mo ang aktibidad ng iyong anak sa Serbisyo. Makakahanap ka ng mga tool at resource na makakatulong sa iyo na pamahalaan ang experience ng iyong pamilya sa YouTube (kasama ang kung paano i-enable ang isang batang wala pang 13 taong gulang na gamitin ang Serbisyo at YouTube Kids) sa aming Help Center at sa pamamagitan ng Family Linkng Google.

Mga Negosyo
Kung ginagamit mo ang Serbisyo sa ngalan ng isang kumpanya o organisasyon, isinasaad mong may awtoridad kang kumilos sa ngalan ng entity na iyon, at tinatanggap ng naturang entity ang Kasunduang ito.

Iyong Paggamit ng Serbisyo

Content sa Serbisyo
Kasama sa content sa Serbisyo ang mga video, audio (halimbawa, musika at iba pang tunog), graphics, mga larawan, text (gaya ng mga komento at script), pag-brand (kabilang ang mga trade name, trademark, marka ng serbisyo, o logo), mga interactive na feature, software, mga sukatan, at iba pang materyal, ikaw man, ang YouTube, o isang third-party (sama-samang tinatawag na “Content”) ang nagbigay ng mga ito.

Ang content ay responsibilidad ng tao o entity na nagbibigay nito sa Serbisyo. Walang obligasyon ang YouTube na mag-host o maghatid ng Content. Kung makakakita ka ng anumang Content na sa palagay mo ay hindi sumusunod sa Kasunduang ito, kasama sa pamamagitan ng paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o sa batas, puwede mong iulat ito sa amin.

Mga Google Account at Channel sa YouTube
Puwede kang gumamit ng mga bahagi ng Serbisyo, gaya ng pag-browse at paghahanap ng Content, nang walang Google account. Gayunpaman, kailangan mo ng Google account para magamit ang ilang feature. Kapag may Google account ka, puwede kang mag-like ng mga video, mag-subscribe sa mga channel, gumawa ng iyong sariling channel sa YouTube, at higit pa. Puwede mong sundin ang mga tagubiling ito para gumawa ng Google account.

Ang paggawa ng channel sa YouTube ay magbibigay sa iyo ng access sa mga karagdagang feature at function, gaya ng pag-upload ng mga video, pagkomento, o paggawa ng mga playlist (kung saan available). Narito ang ilang detalyo tungkol sa kung paano gumawa ng iyong sariling channel sa YouTube.

Para protektahan ang iyong Google Account, panatilihing kumpidensyal ang iyong password. Hindi mo dapat gamitin ulit ang iyong password sa Google account sa mga third-party na application. Matuto pa tungkol sa pagpapanatiling ligtas ng Google account mo, kasama ang kung ano ang gagawin kapag may napag-alaman kang hindi awtorisadong paggamit ng iyong password o Google account.

Iyong Impormasyon
Ipinapaliwanag ng aming Patakaran sa Privacy kung paano namin pangasiwaan ang iyong personal na data at protektahan ang privacy mo kapag ginagamit mo ang Serbisyo. Nagbibigay ng karagdagang impormasyon ang Notification ng Privacy ng YouTube Kids tungkol sa aming mga kagawian sa privacy na partikular sa YouTube Kids.

Ipoproseso namin ang anumang audio o audiovisual na content na in-upload mo sa Serbisyo alinsunod sa Mga Tuntunin sa Pagpoproseso ng Data ng YouTube, maliban sa mga kaso kung saan in-upload mo ang naturang content para sa mga personal na layunin o aktibidad sa sambahayan. Matuto Pa.

Mga Pahintulot at Paghihigpit
Puwede mong i-access o gamitin ang Serbisyong ginawang available para sa iyo, hangga't sumusunod ka sa Kasunduang ito at sa naaangkop na batas. Puwede kang tumingin o makinig sa Content para sa iyong personal at di-komersyal na paggamit. Puwede ka ring magpalabas ng mga video sa YouTube sa pamamagitan ng nae-embed na YouTube player.

Nalalapat ang mga sumusunod na paghihigpit sa iyong paggamit ng Serbisyo. Hindi ka pinapayagang:

  1. Mag-access, kumopya, mag-download, magpamahagi, mag-transmit, mag-broadcast, magpakita, magbenta, maglisensya, magpalit, magbago, o gumamit ng anumang bahagi ng Serbisyo o anumang Content maliban kung: (a) tahasang pinapahintulutan ng Serbisyo; o (b) may paunang nakasulat na pahintulot mula sa YouTube at, kung naaangkop, sa mga nauukol na may-ari ng mga karapatan;
  2. lusutan o i-disable ang, makipag-ugnayan sa mapanlokong paraan, o makasagabal sa anumang bahagi ng Serbisyo (o tangkaing gawin ang alinman sa mga ito), kasama ang mga feature na nauugnay sa seguridad o mga feature na (a) pumipigil o naghihigpit sa pagkopya o iba pang paggamit ng Content o (b) limitahan ang paggamit ng Serbisyo o Content;
  3. i-access ang serbisyo gamit ang anumang naka-automate na paraan (gaya ng mga robot, botnet, o scraper) maliban (a) sa kaso ng mga pampublikong search engine, alinsunod sa robots.txt file ng YouTube, o (b) kung may paunang nakasulat na pahintulot ng YouTube;
  4. mangolekta at kumuha ng anumang impormasyong posibleng magbigay ng pagkakakilanlan ng tao (halimbawa, mga username), maliban na lang kung pinapahintulutan ito ng taong iyon o pinapayagan ito sa ilalim ng seksyon (3) sa itaas;
  5. gamitin ang Serbisyo para magpamahagi ng hindi hinihinging pampromosyon o pangkomersyong content o iba pang hindi gusto o maramihang pangangalap ng pondo;
  6. magdulot o maghikayat ng anumang hindi tumpak na pagsusukat ng totoong pakikipag-ugnayan ng user sa Serbisyo, kasama ang sa pamamagitan ng pagbabayad sa mga tao o pagbibigay sa kanila ng mga insentibong paramihin ang mga panonood, like, o dislike ng isang video, o paramihin ang mga subscriber ng isang channel, o manipulahin ang mga sukatan sa anumang paraan;
  7. gamitin sa maling paraan ang anumang proseso ng pag-uulat, pag-flag, reklamo, hindi pagkakaunawaan, o mga apela, kasama ang sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsusumiteng walang batayan, nakakagulo, o walang katuturan;
  8. magsagawa ng mga paligsahan sa o sa pamamagitan ng Serbisyo na hindi sumusunod sa Mga patakaran at alituntunin sa paligsahan ng YouTube;
  9. gamitin ang Serbisyo para tumingin o makinig sa Content maliban para sa personal at di-komersyal na paggamit (halimbawa, hindi ka puwedeng magpalabas ng mga video o mag-stream ng musika mula sa Serbisyo sa publiko); o
  10. gamitin ang Serbisyo para (a) magbenta ng anumang pag-advertise, mga sponsorship, o promosyong nakalagay sa, sa paligid ng, o sa loob ng Serbisyo o Content, maliban sa mga pinapahintulutan sa mga patakaran sa Pag-advertise sa YouTube (gaya ng mga reklamo sa placement ng produkto); o (b) magbenta ng pag-advertise, mga sponsorship, o promosyon sa anumang page ng anumang website o application na naglalaman lang ng Content mula sa Serbisyo o kung saan ang Content mula sa website ang pangunahing batayan para sa mga naturang benta (halimbawa, pagbebenta ng mga ad sa isang webpage kung saan ang mga video sa YouTube ang pangunahing pang-akit para bumisita ang mga user sa webpage).

Pagrereserba

Ang paggamit ng Serbisyo ay hindi nagbibigay sa iyo ng pagmamay-ari ng o mga karapatan sa anumang aspeto ng Serbisyo, kasama ang mga user name o anupamang Content na na-post ng ibang tao o ng YouTube.

I-develop, Pahusayin, at I-update ang Serbisyo

Patuloy na binabago at pinapahusay ng YouTube ang Serbisyo. Bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagbabago nito, posibleng gumawa kami ng mga pagpapalit o pagbabago (sa lahat o bahagi ng Serbisyo) gaya ng pagdaragdag o pag-aalis ng mga feature at functionality, pag-aalok ng mga bagong digital na content o serbisyo, o paghihinto ng mga lumang digital na content o serbisyo. Posibleng kailanganin din naming baguhin o ihinto ang Serbisyo, o anumang bahagi nito, para magsagawa ng mga pagpapahusay sa performance o seguridad, gumawa ng mga pagbabago para sumunod sa batas, o pigilan ang mga ilegal na aktibidad o pang-aabuso sa aming mga system. Puwedeng makaapekto ang mga pagbabagong ito sa lahat ng user, ilang user, o kahit sa indibidwal na user. Kung nagre-require o kinabibilangan ng nada-download na software (gaya ng YouTube Studio application) ang Serbisyo, posibleng awtomatikong mag-update ang software na iyon sa iyong device kapag may available nang bagong bersyon o feature, na napapailalim sa mga setting ng device mo. Kung gagawa kami ng mahahalagang pagbabagong negatibong nakakaapekto sa iyong paggamit ng Serbisyo, bibigyan ka namin ng makatuwirang paunang abiso, maliban na lang sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pagkilos gaya ng pagpigil sa pang-aabuso, pagtugon sa mga legal requirement, o pagtugon sa mga isyu sa seguridad at paggana. Magbibigay rin kami sa iyo ng pagkakataong i-export ang content mo mula sa iyong Google Account gamit ang Google Takeout, na napapailalim sa mga naaangkop na batas at patakaran.

Iyong Content at Pag-uugali

Pag-upload ng Content

Kung mayroon kang channel sa YouTube, posible makapag-upload ka ng Content sa Serbisyo. Puwede mong gamitin ang iyong Content para i-promote ang iyong negosyo o artistic na enterprise. Kung pipiliin mong mag-upload ng Content, hindi ka dapat magsumite sa Serbisyo ng anumang Content na hindi sumusunod sa Kasunduang ito (kasama ang Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube) o sa batas. Halimbawa, ang Content na isusumite mo ay wala dapat kasamang third-party na intellectual property (gaya ng naka-copyright na materyal) maliban na lang kung may pahintulot ka mula sa party na iyon o may legal na karapatan kang gawin ito. Ikaw ang may legal na pananagutan sa Content na isusumite mo sa Serbisyo. Puwede naming gamitin ang mga naka-automate na system na sumusuri sa iyong Content para makatulong na mag-detect ng paglabag at pang-aabuso, gaya ng spam, malware, at ilegal na content.

Mga Karapatang Ibinibigay Mo

Nananatili sa iyo ang mga karapatan mo sa pagmamay-ari sa iyong Content. Gayunpaman, nire-require namin sa iyo na magbigay ng ilang partikular na karapatan sa YouTube at iba pang user ng Serbisyo, gaya ng inilalarawan sa ibaba.

Lisensya sa YouTube

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng Content sa Serbisyo, nagbibigay ka sa YouTube ng pandaigdigan, non-exclusive, royalty-free, puwedeng i-sublicense, at naililipat na lisensya para gamitin ang Content na iyon (kasama ang kopyahin, ipamahagi, ihanda ang mga hinangong gawa, at ipakita at isagawa ito) kaugnay ng negosyo ng Serbisyo at YouTube (at mga successor at Affiliate nito), kasama ang para sa layunin ng pag-promote at pamamahagi ulit ng bahagi o kabuuan ng Serbisyo.

Lisensya sa Iba pang User

Nagbibigay ka rin sa bawat ibang user ng Serbisyo ng pandaigdigan, non-exclusive, at royalty-free na lisensya para ma-access ang iyong Content sa pamamagitan ng Serbisyo, at gamitin ang Content na iyon, kabilang ang kopyahin, ipamahagi, ihanda ang mga hinangong gawa, at ipakita at isagawa ito, kung binibigyang-daan lang ng feature ng Serbisyo (gaya ng pag-playback ng video o mga pag-embed). Bilang paglilinaw, hindi nagbibigay ang lisensyang ito ng anumang karapatan o pahintulot para magamit ng user ang iyong Content nang hiwalay sa Serbisyo.

Tagal ng Lisensya

Ang mga lisensyang ibinibigay mo ay nagpapatuloy sa loob ng yugto ng panahong makatuwiran ayon sa komersyo pagkatapos mong alisin o i-delete ang iyong Content sa Serbisyo. Gayunpaman, nauunawaan mo at sumasang-ayon kang puwedeng magpanatili ang YouTube ng mga kopya sa server ng iyong video na naalis o na-delete na pero hindi nito puwedeng ipakita, ipamahagi, o isagawa ang mga ito.

Karapatang Mag-monetize

Binibigyan mo ang YouTube ng karapatang mag-monetize ng iyong Content sa Serbisyo (at posibleng kasama sa naturang pag-monetize ang pagpapakita ng mga ad sa o sa loob ng Content o pagsingil sa mga user ng bayarin para sa access). Hindi nagbibigay sa iyo ng karapatang makatanggap ng anumang pagbabayad ang Kasunduang ito. Simula Nobyembre 18, 2020, ituturing bilang mga royalty ang anumang pagbabayad na posibleng karapatan mong matanggap mula sa YouTube sa ilalim ng anupamang kasunduan mo at ng YouTube (kasama ang, halimbawa, mga pagbabayad sa ilalim ngPartner Program ng YouTube, Mga channel membership, o Super Chat).  Kung nire-require ng batas, magwi-withhold ang Google ng mga buwis mula sa mga naturang pagbabayad.

Pag-aalis ng Iyong Content

Puwede mong alisin ang iyong Content sa Serbisyo anumang oras. Mayroon ka ring opsyong gumawa ng kopya ng iyong Content bago ito alisin. Dapat mong alisin ang iyong Content kung wala ka na ng mga karapatang nire-require ng mga tuntuning ito.

Pag-aalis ng Content ng YouTube

Kung ang alinman sa iyong Content (1) ay lumalabag sa Kasunduang ito o (2) makakapinsala sa YouTube, aming mga user, o mga third party, nakalaan sa amin ang karapatang alisin o tanggalin ang ilan sa o lahat ng naturang Content sa aming paghuhusga. Aabisuhan ka namin tungkol sa dahilan para sa aming pagkilos maliban na lang kung makatuwiran naming pinapaniwalaang ang paggawa nito ay: (a) makakalabag sa batas o sa utos ng awtoridad sa pagpapatupad ng batas o mailalagay nito sa panganib ng legal na sagutin ang YouTube o ang aming Mga Affiliate; (b) makakakompromiso ng pagsisiyasat o sa integridad o pagpapatakbo ng Serbisyo; o (c) makakapinsala sa sinumang user, iba pang third party, YouTube, o aming Mga Affiliate. Puwede kang matuto pa tungkol sa pag-uulat at pagpapatupad, kabilang ang kung paano mag-apela sa page na Pag-troubleshoot ng aming Help Center.

Mga Strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad

Nagpapatakbo ang YouTube ng system ng “mga strike” kaugnay ng Content na lumalabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube. Ang bawat strike ay may iba't ibang paghihigpit at posibleng magresulta sa permanenteng pag-aalis ng iyong channel sa YouTube.   May available na buong paglalarawan ng kung paano nakakaapekto ang isang strike sa iyong channel sa page na   Mga Pangunahing Kaalaman sa Mga Strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung naniniwala kang hindi dapat ibinigay ang strike, puwede kang mag-apela rito.

Kung pinaghigpitan ang iyong channel dahil sa strike, hindi ka dapat gumamit ng ibang channel para malusutan ang mga paghihigpit na ito. Ang paglabag sa pagbabawal na ito ay matinding paglabag sa Kasunduang ito at nakalaan sa Google ang karapatang wakasan ang iyong Google account o ang access mo sa lahat o bahagi ng Serbisyo.

Pagprotekta sa Copyright

Nagbibigay kami ng impormasyon para matulungan ang mga may-ari ng copyright na pamahalaan ang kanilang intellectual property online sa aming Copyright Center ng YouTube. Kung naniniwala kang nalabag ang iyong copyright sa Serbisyo, padalhan kami ng abiso.

Sumasagot kami sa mga abiso tungkol sa sinasabing paglabag sa copyright alinsunod sa proseso sa aming Copyright Center ng YouTube, kung saan makakahanap ka rin ng impormasyon tungkol sa kung paano maglutas ng paglabag sa copyright. Itinatakda ng mga patakaran ng YouTube ang pagwawakas, sa mga naaangkop na sitwasyon, ng access sa Serbisyo ng mga paulit-ulit na lumalabag.

Pagsususpinde at Pagwawakas ng Account

Mga Pagwawakas na Ginawa Mo
Puwede mong ihinto ang paggamit ng Serbisyo anumang oras. Sundin ang mga tagubiling ito para i-delete ang Serbisyo sa Google Account mo, kung saan kasama ang pagsasara ng iyong channel sa YouTube at pag-aalis ng data mo. May opsyon ka ring mag-download muna ng kopya ng iyong data.

Mga Pagwawakas at Pagsususpinde ng YouTube

Nakalaan sa YouTube ang karapatang suspindihin o wakasan ang iyong Google account o ang access mo sa lahat o bahagi ng Serbisyo kung (a) matindi o paulit-ulit ang paglabag mo sa Kasunduang ito; (b) nire-require kaming gawin ito para makasunod sa isang legal requirement o utos ng hukuman; o (c) makatuwiran kaming naniniwalang nagkaroon ng pag-uugaling gumagawa (o puwedeng gumawa) ng sagutin o pinsala sa sinumang user, iba pang third party, YouTube, o aming Mga Affiliate.

Abiso sa Pagwawakas o Pagsususpinde

Aabisuhan ka namin tungkol sa dahilan para sa pagwawakas o pagsususpinde ng YouTube maliban na lang kung makatuwiran naming pinaniniwalaan na ang paggawa nito ay: (a) makakalabag sa batas o sa utos ng awtoridad sa pagpapatupad ng batas; (b) makakakompromiso sa isang pagsisiyasat; (c) makakakompromiso sa integridad, pagpapatakbo, o seguridad ng Serbisyo; o (d) makakapinsala sa sinumang user, iba pang third party, YouTube, o aming Mga Affiliate.

Epekto ng Pagsususpinde o Pagwawakas ng Account

Kung wawakasan ang iyong Google account o paghihigpitan ang access mo sa Serbisyo, puwede mong patuloy na gamitin ang ilang partikular na aspeto ng Serbisyo (gaya ng pagtingin lang) nang walang account, at patuloy na malalapat ang Kasunduang ito sa naturang paggamit. Kung naniniwala kang hindi dapat ginawa ang pagwawakas o pagsususpinde, puwede kang mag-apela gamit ang form na ito.

Tungkol sa Software sa Serbisyo

Nada-download na Software
Kapag nagre-require o kinabibilangan ng nada-download na software (gaya ng YouTube Studio application) ang Serbisyo, maliban kung nasasaklawan ang software ng mga karagdagang tuntuning nagbibigay ng lisensya, magbibigay sa iyo ang YouTube ng personal, pandaigdigan, royalty-free, non-assignable, at non-exclusive na lisensya para magamit ang software na ibinibigay sa iyo ng YouTube bilang bahagi ng Serbisyo. Ang lisensyang ito ay para lang sa layunin ng pagbibigay-daan sa iyong gamitin at i-enjoy ang benepisyo ng Serbisyo gaya ng itinatakda ng YouTube, sa paraang ipinapahintulot ng Kasunduang ito. Hindi ka pinapayagang kumopya, magbago, mamahagi, magbenta, o magrenta ng anumang bahagi ng software, o i-reverse engineer o subukang i-extract ang source code ng software na iyon, maliban na lang kung ipinagbabawal ng mga batas ang mga paghihigpit na ito o kung mayroon kang nakasulat na pahintulot ng YouTube.

Open Source
Ang ilang software na ginagamit sa aming Serbisyo ay posibleng ialok sa ilalim ng open source na lisensya na ginagawa naming available sa iyo. Posibleng may mga probisyon sa open source na lisensya na tahasang nag-o-override sa ilan sa mga tuntuning ito, kaya tiyaking basahin ang mga lisensyang iyon.  

Iba pang Legal na Tuntunin

Disclaimer sa Warranty
MALIBAN KUNG HAYAGANG ISINASAAD SA KASUNDUANG ITO O KUNG NIRE-REQUIRE NG BATAS, IBINIBIGAY ANG SERBISYO NANG “AS IS” AT HINDI GUMAGAWA ANG YOUTUBE NG ANUMANG PARTIKULAR NA PAGTUON O WARRANTY TUNGKOL SA SERBISYO. HALIMBAWA, HINDI KAMI GUMAGAWA NG ANUMANG WARRANTY TUNGKOL SA: (A) CONTENT NA IBINIBIGAY SA PAMAMAGITAN NG SERBISYO; (B) MGA PARTIKULAR NA FEATURE NG SERBISYO, O SA KATUMPAKAN, PAGIGING MAAASAHAN, AVAILABILITY, O KAKAYAHAN NITONG MATUGUNAN ANG IYONG MGA PANGANGAILANGAN; O (C) NA MAA-ACCESS SA SERBISYO ANG ANUMANG CONTENT NA ISINUSUMITE MO.  

Limitasyon ng Sagutin

MALIBAN NA LANG KUNG NIRE-REQUIRE NG NAAANGKOP NA BATAS, HINDI MAGIGING RESPONSIBILIDAD NG YOUTUBE, MGA AFFILIATE, OPISYAL, DIREKTOR, EMPLEYADO, AT AHENTE NITO ANG ANUMANG PAGKAWALA NG TUBO, KITA, PAGKAKATAON SA NEGOSYO, KABAITAN, O INAASAHANG SAVINGS; PAGKAWALA O PAGKA-CORRUPT NG DATA; HINDI DIREKTA O KAHIHINATNANG PAGKAWALA; DANYOS NA PAMPARUSA NA SANHI NG:

  1. MGA ERROR, PAGKAKAMALI, O HINDI KATUMPAKAN SA SERBISYO;
  2. PERSONAL NA PINSALA O PINSALA SA PROPERTY NA RESULTA NG IYONG PAGGAMIT NG SERBISYO;
  3. ANUMANG HINDI PINAPAHINTULUTANG ACCESS SA O PAGGAMIT NG SERBISYO;
  4. ANUMANG PAGKAANTALA O PAGHINTO NG SERBISYO;
  5. ANUMANG VIRUS O MAPAMINSALANG CODE NA NAIPADALA SA O SA PAMAMAGITAN NG SERBISYO NG ANUMANG THIRD PARTY;
  6. ANUMANG CONTENT, ISINUMITE MAN NG USER O YOUTUBE, KASAMA ANG IYONG PAGGAMIT NG CONTENT; AT/O
  7. PAG-AALIS O PAGIGING HINDI AVAILABLE NG ANUMANG CONTENT.

NALALAPAT ANG PROBISYONG ITO SA ANUMANG PAGHAHABOL, IGINIGIIT MAN ANG PAGHAHABOL O HINDI, BATAY SA WARRANTY, KONTRATA, BATAS SA KAPABAYAAN, O ANUPAMANG TEORYA SA BATAS.

ANG KABUUANG SAGUTIN NG YOUTUBE AT MGA AFFILIATE NITO PARA SA ANUMANG PAGHAHABOL NA MAIDUDULOT O KAUGNAY NG SERBISYO AY NALILIMITAHAN SA ALINMAN ANG MAS MALAKI SA PAGITAN NG: (A) HALAGA NG KITANG IBINAYAD NG YOUTUBE SA IYO MULA SA PAGGAMIT MO NG SERBISYO SA LOOB NG 12 BUWAN BAGO ANG PETSA NG IYONG ABISO, SA PAMAMAGITAN NG SULAT SA YOUTUBE, NG PAGHAHABOL; AT (B) USD $500.

Pagbabayad ng Danyos

Hanggang pinapahintulutan ng naaangkop na batas, sumasang-ayon kang ipagtanggol, bayaran ng danyos, at huwag ipahamak ang YouTube, Mga Affiliate, opisyal, direktor, empleyado, at ahente nito, sa at laban sa anuman at lahat ng paghahabol, pinsala, obligasyon, pagkawala, sagutin, gastusin o utang, at gastos (kasama ang, pero hindi limitado sa mga bayad sa abugado) na dulot ng: (i) iyong paggamit at access sa Serbisyo; (ii) iyong paglabag sa anumang tuntunin ng Kasunduang ito; (iii) iyong paglabag sa anumang karapatan ng third party, kasama ang, pero hindi limitado sa anumang karapatan sa copyright, property, o privacy; o (iv) anumang paghahabol na nagsanhi ng pinsala sa third party ang iyong Content. Malalampasan ng obligasyon sa pagtatanggol at pagbabayad-danyos na ito ang Kasunduang ito at ang iyong paggamit ng Serbisyo.

Mga Third-Party na Link
Posibleng maglaman ang Serbisyo ng mga link sa mga third-party na website at online na serbisyong hindi pagmamay-ari o hindi kontrolado ng YouTube. Walang kontrol ang YouTube sa at hindi ito umaako ng responsibilidad para sa mga naturang website at online na serbisyo. Tandaang kapag umalis ka sa Serbisyo; iminumungkahi naming basahin mo ang mga tuntunin at patakaran sa privacy ng bawat third-party na website at online na serbisyong binibisita mo.

Tungkol sa Kasunduang ito

Pagbabago sa Kasunduang ito
Puwede naming baguhin ang Kasunduang ito, halimbawa, (1) para ipakita ang mga pagbabago sa aming Serbisyo o kung paano kami nagnenegosyo - halimbawa, kapag nagdagdag kami ng mga bagong produkto o feature, o nag-alis kami ng mga lumang produkto o feature, (2) para sa mga legal, panregulatoryo, o panseguridad na dahilan, o (3) para maiwasan ang pang-aabuso o pinsala.

Kung mahalaga ang pagbabagong gagawin namin sa Kasunduang ito, bibigyan ka namin ng makatuwirang paunang abiso at pagkakataong suriin ang mga pagbabago, maliban na lang (1) kung maglulunsad kami ng bagong produkto o feature, o (2) sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pagkilos, gaya ng pagpigil sa tuloy-tuloy na pang-aabuso o pagtugon sa mga legal requirement. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga bagong tuntunin, dapat mong alisin ang anumang Content na in-upload mo at ihinto ang paggamit ng Serbisyo.

Pagpapatuloy ng Kasunduang ito
Kung matatapos ang paggamit mo ng Serbisyo, patuloy na mailalapat sa iyo ang mga sumusunod na tuntunin ng Kasunduang ito: “Iba pang Legal na Tuntunin,” “Tungkol sa Kasunduang Ito,” at magpapatuloy ang mga lisensyang ibinigay mo gaya ng inilarawan sa ilalim ng “Tagal ng Lisensya.”

Paghihiwalay
Kung lalabas na hindi maipapatupad ang isang partikular na tuntunin ng Kasunduang ito, hindi nito maaapektuhan ang iba pang tuntunin.

Walang Pagsusuko
Kung hindi ka makakasunod sa Kasunduang ito at hindi kami gagawa ng agarang pagkilos, hindi ito nangangahulugang isinusuko namin ang anumang karapatang posibleng mayroon kami (gaya ng karapatang magsagawa ng pagkilos sa hinaharap).

Interpretasyon

Sa mga tuntuning ito, ang “kasama” o “kasama ang” ay nangangahulugang “kasama ang, pero hindi limitado sa,” at ang anumang halimbawang ibibigay namin ay para sa mga layunin ng paglalarawan.

Sumasaklaw na Batas
Ang lahat ng paghahabol na dulot ng o nauugnay sa mga tuntuning ito o sa Serbisyo ay masasaklawan ng batas ng California, maliban sa mga panuntunan sa salungatan ng batas ng California, at eksklusibong lilitisin ang mga ito sa mga pederal o pang-estadong hukuman ng Santa Clara County, California, USA. Pumapayag ka at ang YouTube sa personal na hurisdiksyon sa mga hukumang iyon.

Limitasyon sa Legal na Pagkilos

SUMASANG-AYON KA AT ANG YOUTUBE NA ANG ANUMANG DAHILAN NG PAGKILOS NA MULA O NAUUGNAY SA MGA SERBISYO AY DAPAT MAGSIMULA SA LOOB NG ISANG (1) TAON PAGKATAPOS MANGYARI ANG DAHILAN NG PAGKILOS. KUNG HINDI, IPAGBABAWAL NANG TULUYAN ANG NATURANG DAHILAN NG PAGKILOS.

May-bisa simula Disyembre 15, 2023 (tingnan ang naunang bersyon)