Aphra Behn
Aphra Behn | |
---|---|
Kapanganakan | 10 Hulyo 1640
|
Kamatayan | 16 Abril 1689[1]
|
Libingan | Westminster Abbey |
Mamamayan | Kaharian ng Inglatera |
Trabaho | mandudula, tagasalin, makatà, manunulat, nobelista |
Si Aphra Behn (10 Hulyo 1640 – 16 Abril 1689[3]) ay isang prolipikong mandudulang dramatista ng Restorasyong Ingles at isa sa unang propesyunal na mga manunulat na babaeng Ingles. Nakiisa ang kanyang sulatin sa gawi o henerong piksiyong amatoryo, o kathang-isip ng nagpapahayag ng pag-ibig na seksuwal[4] ng panitikang Britaniko.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Behn sa Wye, Inglatera. Anak na babae siya ng isang barbero. Bilang isang bata, narating niya ang Guianang Olandes, na noon ay isang kolonyang Ingles at pinangalan mula sa Ilog ng Surinam. Nagbalik siya sa Inglatera noong 1658. Noong 1666, pagkalipas ng kamatayan ng kanyang asawa, naatasan siya ni Carlos II upang maging espiya sa Antwerp; siya ang unang nakapagbigay ng babala na ang monarka ng Pamahalaang Olandes ay may balak na magpadala ng pangkat ng mga barko sa itaas na bahagi ng Thames.[3]
Namatay siya noong 1689. Inilibing ang kanyang bangkay sa Monasteryo ng Abbey.[3]
Mga akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa kanyang akda ang Oroonoko, na batay sa isang kabataang hepe o pinuno ng tribo sa Aprika, na nakatagpo niya habang naninirahan sa Olandes na Guiana. Ayon mismo kay Behn, ibinatay niya ang pambihira at romantikong salaysaying ito sa mga tunay na pangyayaring kanyang nasaksihan. Ito ang isa sa unang mga romansa na batay mula sa tagpuang nasa mga lupaing nasa labas ng Inglatera, na naging mga "luwalhati" ng panitikang Ingles.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Aphra Behn".
- ↑ https://dbnl.nl/auteurs/auteur.php?id=behn001; hinango: 15 Setyembre 2020.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Aphra Behn". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 255.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Amatory - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Inglatera at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.