Pumunta sa nilalaman

Baterya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Iba't ibang uri ng baterya

Ang bateryang elektrikal ay isang kagamitang binubuo ng dalawa o mahigit pang selulang elektro-kemikal na pinapalitan ang nakaimbak na enerhiyang kemikal at ginagawang enerhiyang elektrikal. Ang bawat selula ay naglalaman ng isang positibong terminal (katod), at isang negatibong terminal (anod). Ang mga electrolyte ang dahilan kung bakit nakakadaloy ang mga ion sa pagitan ng electrodes at terminals, na nagpapadaloy ng kuryente palabas ng baterya upang magpaandar. 

Ang mga primaryang (isang gamitan o natatapon) baterya ay ginagamit nang isang beses lamang at tinatapon na; ang mga materyales ng electrode ay nababago na hindi na maibabalik sa dati sa tuwing may pagdidiskarga. Ang mga karaniwang halimbawa ay ang alkalinang baterya na ginagamit para sa plaslayt at marami pang nabibitbit na aparato. Ang mga sekundaryo (bateryang muling nakakargahan) ay pwedeng madiskarga at muling magkarga nang maraming beses; ang orihinal na komposisyon ng mga electrodes ay pwedeng bumalik sa dati sa pamamagitan ng pagdaloy ng kuryente sa pabalik na direksiyon. Ang mga halimbawa ay sumasaklaw sa mga bateryang lead-acid na ginagamit sa mga sasakyan at bateryang lithium ion na ginagamit para sa nabibitbit na elektroniks. Ang mga baterya ay may iba’t ibang hugis at laki, mula sa mga selulang maliliit na ginagamit upang makapag-andar ng hearing aids at mga relo hanggang sa lipon ng mga baterya na pinagdudugtong-dugtong na sinlaki ng mga silid na nagbibigay ng nakaantabay na kuryente para sa mga himpilang-telepono at mga bahayan ng impormasyon sa kompyuter.  Ayon sa pagtatantiya noong 2005, ang industriya ng baterya sa buong mundo ay nakakagawa ng 48 bilyong dolyares (Estados Unidos) sa pagbenta kada taon, na may 6 na porsyentong taunang paglago. 

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]