Pumunta sa nilalaman

Palazzo Montecitorio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Palazzo Montecitorio
Palazzo Montecitorio, luklukan ng Italyanong Kamara ng mga Deputado
Map
Pangkalahatang impormasyon
Bayan o lungsodRoma
BansaItalya
Mga koordinado41°54′05″N 12°28′43″E / 41.9014°N 12.4786°E / 41.9014; 12.4786
KliyenteKardinal Ludovico Ludovisi
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoGian Lorenzo Bernini
Carlo Fontana
Ernesto Basile

Ang Palazzo Montecitorio (bigkas sa Italyano: [paˈlattso ˌmontetʃiˈtɔːrjo] ) o Palasyo Montecitorio ay isang palasyo sa Roma at ang luklukan ng Italyanong Kamara ng mga Deputado.

Ang pangalan ng palasyo ay nagmula sa maliit na burol kung saan ito itinayo, na inaangkin na Mons Citatorius, ang burol na nilikha sa proseso ng paghahawi ng Campus Martius noong panahong Romano.

Ang gusali ay orihinal na idinisenyo ni Gian Lorenzo Bernini para sa batang si Kardinal Ludovico Ludovisi, pamangkin ni Papa Gregorio XV. Gayunpaman, sa pagkamatay ni Gregory XV noong 1623, huminto ang trabaho, at hindi sinimulan ulit hanggang sa pagkapapa ni Papa Inocencio XII (Antonio Pignatelli), nang ito ay natapos ng arkitekto na si Carlo Fontana, na binago ang plano ni Bernini sa pagdaragdag ng isang kampana at gablete sa itaas ng pangunahing pasukan. Ang gusali ay itinalaga para sa pampubliko at panlipunang mga gawain lamang, dahil sa matatag na mga patakarang antinepotismo ni Inocencio XII na taliwas sa mga nauna sa kaniya.

[baguhin | baguhin ang wikitext]