Pumunta sa nilalaman

Wikang Surigaonon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Surigaonon
Tandaganon
Katutubo saPilipinas
RehiyonSurigao del Norte, maraming parte ng Surigao del Sur, at ilang lugar ng Dinagat Islands, Agusan del Norte, Agusan del Sur at sa Davao Oriental
Pangkat-etnikoTaong Surigaonon
Mga natibong tagapagsalita
500,000 (2009)
Opisyal na katayuan
Regional na wika sa Pilipinas
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3Alinman:
sgd – Surigaonon
tgn – Tandaganon
Glottologsuri1274
Mga mananalita ng Surigaonon

Ang wikang Surigaonon ay isang wika sa Surigao na mayroong 500,000 na tagapagsalita nito. Ang wikang Surigaonon ay isang wikang Bisaya, ito ay inipluwensya sa Sebuwano.

Mula sa pagsusuri, nagkakaroon ng varyasyong leksikal sa mga wikang nabanggit batay sa mga salitang magkaiba ang anyo ngunit pareho ang kahulugang taglay ng mga ito. May magkatulad rin ang anyo at parehong kahulugan sa tatlong wikain at ang varyasyong may pareho sa dalawang wikain ngunit naiiba sa isa. Sa mga varyasyong umusbong, kapansin-pansin ang pagkakaroon ng kani-kanilang paraan ng paggamit ng wika ayon na rin sa topograpiyang kanilang kinabibilangan. Dito nakakabuo ng katangian ng kanilang wika at nagbubunsod ng pagbabagong sosyolohikal na nagaganap sa wikaing kanilang ginagamit. (Baterina,2017)