Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Pebrero 1
Itsura
- Kalihim-Heneral ng Nagkakaisang mga Bansa Ban Ki-moon dumating sa Tsipre para simulan ang usapang nakatuon sa muling pagkakaisa ng bansa. (The Hindu) (Deutsche Welle) (UN News Centre)
- Mga sugo ng Dalai Lama nakabalik na mula sa Beijing pagkatapos ng ikasiyam na yugto ng mga negosasyon. (Times of India) (Xinhua) (RIA Novosti)
- 41 katao patay at 106 pa ang sugatan sa pagpapasabog ng sarili ng isang babae sa kabisera ng Irak na Baghdad. (Al Jazeera) (The Daily Telegraph)
- Siyam katao ang namatay sa aksidente sa bus sa Tianjin, hilagang bahagi ng Tsina. (BBC) (China Daily) (Taiwan News)
- Mga kontra-pamahalaang protesta isinagawa sa mga lungsod sa Rusya, 100 militante inaresto sa mga protesta sa Moscow at Saint Petersburg. (BBC) (The Moscow Times) (Sify)